Piosenka:
Encanto (OST) - Kayo [All Of You] tekstowo zapisana

Tekst piosenki Kayo [All Of You]


Tahanang 'to, kailanga'y pagbabago
Mahirap nga lang, pero kaya 'di ba?
Ating pamilya, buo at nandirito
Mga bituin na nais lang na kuminang

Ngunit tala'y aapoy, babaguhin na'ng langit
Ang buhay may saysay kahit walang husay
Patawarin dahil nagkulang
Higpit dala ng takot ko
Milagro ay hindi ang mahika niyo
Milagro ay kayo, galing ko'y kayo
Milagro ay kayo, ay kayo, ay kayo

Ang kaso, 'wag daw ikuwento si Bruno (Siya si Bruno)
Ako nga, daming kuwento nga 'tong si Bruno

Ganto kasi
Nagpapatawad sa kasalan nauwi man sa asaran
Hindi ko hinulaan, biro lang ang sinubukan
Etong sasabihin ko, nasa puso ko kayo
Lagi 'yan, promise 'yan, umulan, bumagyo, ako 'to
Yun na nga ang sabi ko, tol
Hihingi lang ng pasensya sa inyong lahat
'Wag, kay saya na narito ka na
Labas sa lungga, kahapon ay limot na
Ano man ang mangyari, magkakasama na
Alam kong narito siya, dinig ko lagi siya

S'an galing 'yon?
Yung mga tao yata sa baryo

Hey!
Pasanin niyo (pasanin niyo)
Eto na ang tutulong (eto na ang tutulong)
Walang galing ngunit marami
Karamay lagi sa inyo

Kay saya na nagtutulungan, lakas mo
Iyakin lang minsan (ako man)
Bawas ang lakas pero natututo
Pataba, araw kailangan
Tara! Itanim na ito, lalaki agad
Langit dun na'ting tungo

Ang tala'y aapoy
Nang pagbabago
Lilipas panahon
'Di na bata ang 'yong bunso
Nagmana sa'yo

Hoy, Mariano, lungkot mo
Kasi nais lang na magmahal
Alam mo, may pinsan naman ako
Kilala mo si Dolores?
Sige, salamat, insan, tabi!
Ang ingay mo
Alaga mo ang nanay mong bilib sa'yo
Tula ang sinusulat mo, hanggang dalawin ng handog
Ayokong na'ng maghintay pa, ako ay pansinin mo na
Dolores, ikaw ang nakikita ko
Ikaw, naririnig ko

Sa inyo, sa inyo
Sa inyo, sa inyo

Tahanang 'to, gusto kong pagbabago
Hindi perpekto
Tayo rin naman
Totoo 'yon
May kulang pa, 'wag munang magdiriwang
Ano po?
Ating pintuhan
Ginawan ka namin ng pusuan

Damhin ang 'yong apoy
Ang tapang at husay
Galing na angkin mo
Ikaw nga ang milagro namin, buksan mo na
Dilat ka na
Abre los ojos
Anong nakikita mo?
Nakikita ko, ako
Ako nga

Encanto (OST) - Kayo [All Of You] Tekst piosenki

Encanto (OST) - Kayo [All Of You] tekstowo Encanto (OST) - Kayo [All Of You] Text Kayo [All Of You] Encanto (OST) Kayo [All Of You] słowa

Teledysk do piosenki
Kayo [All Of You]

Kadr z teledysku Kayo [All Of You] tekst piosenki Encanto (OST)

TE TEKSTY PIOSENEK MAJĄ PRAWO SIĘ PODOBAĆ

NOWE TEKSTY PIOSENEK A JUŻ TAKIE POPULARNE

A POPA JESZCZE NA TE TEKSTY PIOSENEK